"sige bye na"
hayan na naman. nagbye ka na. ayoko pa talaga. ba't kailangan mo na kasing umalis? ang tagal na kitang hindi nakikita e! ayoko pa. wait lang. siguro mga five minutes pa. tinititigan pa kita e. hindi pa ako nagsasawa.
"eh, maya maya na"
nahihiya na ako makiusap sayo pero hindi ko din naman napigilan. alam kong gusto mo na umuwi. ba't ka nga din ba magtatagal? para saan pa diba?
mahal na kita noon pa. ikaw na nga lang yata yung hindi nakakaalam. syempre, hindi ko din naman kayang sabihin at 'pag sinabi ko, hindi mo rin naman maiiintindihan. alam kong 'pag ginawa ko yuon, marami ng magbabago. Hindi na rin kagaya ng dati.
"madaling araw na kasi e."
oo sige na. talo na ako. hindi na. wala na. kakalimutan ko na lang ito. kakalimutan ko na lang yung intensyon kong sabihin sayo ang lahat. ang lahat lahat. wala na din akong mapapala.
"sige, bye beshie. ingat."
the pains and pleasures of pole dancing
1 day ago


0 comments:
Post a Comment