Minsan may mga bagay na ayaw nating umalis o alisin sa buhay natin kahit gaano pa natin gustuhin. Para silang mga bubble gum na nakadikit sa paborito mong damit o para mas malala at mas kadiri, mga kuto sa buhok mo.
Hindi mo naman malaman kung ano pa ang ginagawa ng gagong 'yon sa puso mo. Kung sino pa ang hindi maalis, sila pa yung dapat na inaalis. ironic no? kung sino naman yung isinasaksak mo sa puso mo, hindi dumidikit kahit na may super sticky glue ka. Napaisip ako, kasi nagiisip din naman ako paminsan minsan, na may inaasahan tayo sa taong yun na hindi naman natupad at hinihintay pa din nating tuparin nila kahit napakalabo na.
Nangako yung isa. sa sobrang dami ng pangako, nakakalimutan lahat. Heto naman si isa, umaasa at naghihintay. 'yan naman ang papel nung isa, ang niloloko.
Bakit ba ayaw nila ikaw paalisin? e, hindi ka na din naman nila kailangan. kung kailan ka naman aalis, saka sila ngangawa sayo kung bakit mo sila iiwan. hindi ba yan katangahan? Syempre, dahil madamdamin ka at ayaw mong may nasasaktan, balik ka ulit sa kadena ni boss. Tatawa siya sabay sabing, "nauto ko na naman, cheers!". at pabalik balik lang ang mangyayari.
Iyak si lalaki. Awa si babae. Nagloko ulit si lalaki. iyak si babae. lalaki humingi ng chance. babae naawa. lalaki naglandi. babae naawa. lalaki nagpromise na. babae umasa. lalaki hindi na nagpahuli. babae nagtitiwala. lalaki nanahimik. babae napagod. babae aalis. lalaki walang effort. babae ayaw umalis pero gusto umalis. lalaki walang care. babae umalis. lalaki namiss si babae. babae may bago. lalaki ngawa ng ngawa. babae maawa, babalik sa gago. then repeat. o kaya kung lalaki ka, vice versa naman. parang dance steps lang 'yan ni Ma'am De Villa, nakakainis pero nakakatawa.
kung bakit ba kasi tayo nagmamahal at nabibigo. minsan mas pipiliin mo pang uminom ng kape habang nasa cruise kesa isipin kung ano ang iniisip niya ngayon. buti sana kung maigoogle mo 'yon e di less hassle.
***
Suntok sa buwan na nga lang makahanap ng "nice guy". Pero hindi naman ako yung tipo na naghahanap ng "nice guy" kasi isa silang malaking peke. Ayoko ng peke. Ayoko din ng jologs. Kung nice guy man sila ngayon, sa katagalan, madidiskubre niyang mas masarap maging gago. boys are boys. ang mga manong, boys pa din. ang mga lolo, boys pa din.
Minsan kung sino pa ang akala mong nice 'yun pa ang pinakawalanghiya at kung sino pa ang pinakawalanghiya, siya pa ang masarap magmahal. diba?
Dati, mahilig ako maglagay ng mga standards sa mga gusto kong tao. kailangan ganito, kailangan ganyan pero hindi rin naman natutupad. minsan ang kapal din naman ng mukha kong humanap ng matalino at gwapo, eh wala naman akong ipangsasabay duon. kaya binago ko na ang prinsipyong ganoon dahil sa katagalan, wala rin akong mahahanap na ganun. Ako din yung magiging bigo. ang gusto ko perfect, pero si no one lang ang perfect. Hindi na dapat natin paganahin ang prinsipyong, "dadating rin si Prince Charming" dahil si Prince charming ay blondie, may kabayo at may espada at si barbie doll o mga disney princesses lang ang gusto niya.
***
CHILL people.
Cheers to all the single ladies.
Let's all have a cup of coffee.
the pains and pleasures of pole dancing
1 day ago


6 comments:
you single??
got ya. :)) of course not. :D yee, single lady. :D
okay.. I'll pretend I don't know anything about this post.. even the post you made after this huh.. hahaha! :)
lololol :)) I miss you bitch. let's have a cup of coffee. maybe one of these days.
super agree sa last paragraph. :D
hahahaha. yii naghahanap ng prince charming. :))
Post a Comment